in

Rodjun Cruz at Dianne Medina, patuloy ang pagtulong sa frontliners

Patuloy ang pagtulong ng mag-asawang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa frontliners at higit na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa Instagram post ng nagdadalang-tao na si Dianne, ibinahagi nito ang pakikiisa nila sa BAYANIHAN PH na isang grupo ng kabataan na tumutulong sa frontliners at underprivileged communities.

“Ever since this crisis hit us, I really wanted to help in my own little way. Since I am pregnant, I am not allowed to go outside. The reason why I’m online selling items is because this the only way I can help in my own little way — to help the workers, sewers, delivery drivers, and their families who don’t have work,” ani ni Diane sa kanyang Instagram post.

Nitong nagdaang araw, nag-promote rin sina Diane at Rodjun ng reliable and waterproof personal protective suits (PPE) na gawa ng local residents. Patunay lang ang Kapuso couple na hindi hadlang ang quarantine upang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.

Mag-ingat po tayong lahat!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, tuloy pa rin ang pag-asikaso ng negosyo

Winwyn Marquez, masayang pinagdiwang ang birthday kahit naka-quarantine