in

Kisses Delavin, bibida sa ‘Dear Uge’ ngayong Linggo

Muling mapapanood ang Dear Uge episode ni Kisses Delavin na ‘Viral Maging Judgmental’ ngayong Linggo (May 10) kung saan gumanap siyang kapatid ni Eugene Domingo.

Si Adele (Eugene) ay isang mainiping lady guard na nag-viral sa social media dahil sa pagpalo niya sa isang senior citizen.

Dahil dito, naapektuhan ang buhay ni Adele kasama na diyan ang kanyang trabaho at ang relationship niya sa kanyang kapatid na si Amy (Kisses Delavin).

Nang malaman ni Amy ang tungkol sa ginawa ni Adele, nagbago ang kanyang pananaw sa kanyang kapatid at hinusgahan ito. Mapaliwanag kaya ni Adele ang tunay na nangyari sa kanya? Paniwalaan kaya siya ni Amy? Abangan ang kuwentuwaang ito kasama sina Kisses Delavin at Eugene Domingo sa ‘Dear Uge Presents: Viral Maging Judgmental’ ngayong Linggo, May 10, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LJ Reyes, nagbahagi ng saloobin tungkol sa ‘new normal’ sa pagtatapos ng ECQ

Single ni Julie Anne, may 100K streams na sa Spotify!