in

Jennylyn Mercado, ibinahagi ang kanyang homemade pizza recipe

Sa vlog ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, ibinahagi nito sa kanyang fans at followers ang kanyang easy homemade pizza recipe na tinawag niyang ‘Jen’s Picha Pie.’

Ayon sa aktres, madali lang gawin ang kanyang recipe lalo pa ngayon na hirap ang karamihan na lumabas para makabili or makapagpa-deliver nito dahil may lockdown.

Aniya, “Alam natin na hindi tayo kaagad nakakalabas, hindi tayo nakakapagpa-deliver, o kung meron mang delivery ay napakatagal. So kung nagke-crave man kayo ng burger or, kung ano man, fast food, pizza. Kaya ngayon, tuturuan ko kayong gumawa ng home-made pizza.”

Bisitahin lamang ang vlog ni Jen para sa step-by-step guide sa paggawa ng kanyang tomato sauce-based pizza. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carlo Gonzales, ipinasilip ang baby boy nila ni Luane Dy

Julie Anne San Jose, pinabilib ang netizens sa kanyang cover ng ‘Bagsakan’