in

Janine, ibinahagi ang ilang favorite memories niya kasama ang kanyang ina

Ngayong papalapit na ang Mother’s Day, hindi muna makakasama ni Kapuso actress Janine Gutierrez ang kanyang mommy Lotlot de Leon dahil nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Janine, natunghayan niya raw ang halos sabay nilang paglaki ng kanyang ina. “My mom is pretty young. She had me when she was like 17 (years old) so our age gap is small. I always remember growing up with her. Palagi kaming naglalaro,” kuwento niya. 

Gayunpaman, si Lotlot pa rin daw ang nagsisilbing gabay ni Janine sa iba’t ibang bagay hanggang ngayon. “She’s always been amazing and up to now she’s really a source of guidance–living alone, cooking, mga things like that. I’m so lucky that shes always one call away,” aniya.

Binigyan din siya ni Lotlot ng mahalagang professional advice nang magsimula siyang mag-artista. “Noong nagtatrabaho naman ako, ‘yung biggest advice niya was to love your job. If you love your job, you’re respectful of the people you work with, you’re respectful of the opportunities you have, doon babalik ‘yung mga gusto mo ding ma-achieve,” pahayag ni Janine.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kiray Celis, ibinalandra ang sexy curves

Rocco Nacino, inilunsad ang “Food From The Heart” kasama ang girlfriend