in

Willie Revillame, live na tumugtog ng drums at percussions sa ‘Wowowin’

Hindi nauubusan ng sorpresa ang Wowowin host na si Willie Revillame. Bukod sa mga papremyo, muling napa-wow ni Willie ang Kapuso viewers nang ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang musikero nang maki-jam siya sa kanyang banda.

Ilang beses na rin niyang naipakita ang kanyang talent sa mga nakaraang episodes ng kanyang programa. Pinapaalalahanan din ni Willie na sundin ang tamang paraan ng pagsali sa ‘Tutok To Win.’

Mag-ingat din daw ang kanyang mga manonood sa mga manloloko na ginagamit ang kanyang pangalan o programa. Simula nang magkaroon ng enhanced community quarantine ay napapanood na araw-araw si Willie sa TV at official social media accounts ng Wowowin upang mag-abot ng tulong sa mga kababayan sa gitna ng COVID-19 crisis. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Artist Center, may bagong online shows!

Mavy at Cassy Legaspi, nakipagkulitan kay Andre Paras