Maraming nag-enjoy sa pangalawang vlog ni Andre Paras kung saan kasama niya ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy.
Maliban sa kamustahan at biruan, isa sa mga napag-usapan ay ang unang teleserye role ni Cassy sa “First Yaya” at ang kanyang love team sa programang si Kelvin Miranda. Nagpapasalamat si Cassy dahil mabait si Kelvin.
Aniya, “He’s okay naman, he’s nice, very engaging, he always initiates the talks kasi you know, believe it or not, I’m shy.”
Samantala, abangan ang susunod na episodes at guests ni Andre sa kanyang YouTube channel.