Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng ECQ sa May 16, naglabas ng saloobin si Kapuso actress Glaiza De Castro tungkol sa mga nangyayari sa shootings at tapings ng mga artista at crew sa gitna ng banta ng COVID-19.
Kasabay nito ay ibinahagi niya rin ang mga picture na kinunan sa huling taping niya sa Banaue, Ifugao bago pa man ipatupad ang quarantine.
“Habang nag ba-browse sa camera, nakita ko itong huling taping namin sa Banaue bago nangyari ang enhanced community quarantine. Ano kaya [ang] mangyayari sa mga shootings at tapings kapag naipatupad na ang new normal? Maitutuloy pa kaya itong soap? Maipapalabas pa kaya ang mga pelikula sa sinehan? Gayunman, kahit maraming mga tanong at pag-aalinlangan, naniniwala pa rin si Glaiza na babalik din sa normal ang lahat. Though marami ring kagaya ko ang nagtatanong at nag-aantay, kumakapit pa rin ako sa paniniwalang magiging maayos ang lahat. Dasal lang, mga kaibigan sa industriya, magkikita-kita tayong muli,” sabi pa ni Glaiza sa kanyang Instagram post.
Samantala, habang nasa ECQ, musika na muna ang libangan ni Glaiza. Sumulat siya ng kanta para sa frontliners na kinanta niya kasama ng kanyang boyfriend. Bukod dito, pinamangha rin ni Glaiza ang netizens sa kanyang cover ng “Start” ng South Korean solo artist na si Gaho na isa sa official soundtrack ng hit Korean series “Itaewon Class.”
Gabi-gabing napapanood si Glaiza sa rerun ng requel ng Encantadia na ipinalabas noong 2016 sa GMA Telebabad.