in

TikTok dance videos ni Mark Herras, nag-viral

Walang kupas talaga ang Kapuso star na si Mark Herras pagdating sa pagsasayaw. Muling pinatunayan ni Mark na siya ang Bad Boy ng Dance Floor.

Nag-trending kasi ang StarStruck Season 1 Ultimate Male Survivor noong Sabado, May 2, dahil sa kanyang TikTok dance videos. Isa sa pinag-usapang video ni Mark online ay ang kanyang dance cover ng “Average Joe.”

Matatandaang pinasikat ito ni Mark noong 2005 at parte rin ito ng kanyang ‘Dance Hits’ album.

Ayon sa Twitter user na si @liafei, “MARK HERRAS AAAAAAHRed heart. I still remember when he had a mall show then exactly we were at SM B that time then my mom bought me his CD so I could enter the event center then he’ll sign it and you can take a picture with him. Hihi childhood idol yeeeet.”

May request naman si @DennisTheMenez, “Mark Herras is that Average Joe who we wanted to see on the small screen again.”

Para mapanood pa ang dance videos ni Mark, i-follow lamang siya sa kanyang official TikTok account (marktheherrasitchybear).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso stars, sumabak sa PASSarapan ng Sinigang Challenge

CoLove nina Jennylyn at Dennis, marami ang naka-miss