in

Solenn Heussaff, may paalala sa mommies tungkol sa postpartum workouts

Apat na buwan matapos manganak, dahan-dahang bumabalik sa pagwu-workout ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff.

Paalala niya para sa mommies na kakapanganak lang rin, “To my postpartum peeps, here’s a quick workout you can do. Of course, listen to your body and avoid certain movements if you feel pain (ask your OB).”

Dagdag pa niya, “One step at a time. A little everyday goes a long way.”

Importante rin daw ang breathing exercises bago gumawa ng mga mas challenging na workout.

Samantala, sa isang Instagram story ay ipinakita ni Solenn ang bikini cut mula sa kanyang caesarian section cut at visible pa rin ang kanyang linea nigra.

Ipinost raw niya ito para hopefully ay ma-inspire ang ibang mommies tulad niya na bumalik sa pagiging active and fit.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Biyahe ni Drew,’ sagot pa rin ang travel goals ng viewers ngayong ECQ

Derek Ramsay, may sweet birthday greeting para kay Andrea Torres