in

‘Biyahe ni Drew,’ sagot pa rin ang travel goals ng viewers ngayong ECQ

Ang summer season ang madalas na panahon kung saan tayo nagbabakasyon pero dahil hinihikayat nga muna ang pag stay at home, hanggang throwback na lang muna tayo at pag-reminisce ng mga dati nating vacation trips.

Buti na lang ang Biyahe ni Drew, patuloy rin sa pag-ere ng mga previous episode nito kaya para na rin tayong bumibiyahe sa loob ng bahay natin.

Ang nakatutuwa pa nga ay pati sa GMA 7 ay mapapanuod na pansamantala ang travel show ni Drew Arellano.

Ibig sabihin, twice din bi-biyahe ang viewers kada lingo at sa magkaibang lugar pa ito. Nariyang dinalang muli tayo ni Drew sa Bukidnon upang ipasilip ang magagandang lugar at masasarap na pagkain dito, o di kaya’y enganyuhin tayong pumunta ng Palawan pagkatapos ng ECQ upang first-hand na ma-experience ang El Nido.

May review naman sa kasaysayan ang episode na pinalabas nitong nakaraang Biyernes dahil nagtungo naman si Drew sa Corregidor at Bataan.

Ilan lang ito sa maraming lugar na napuntahan na ng programa at muling ibinabalik upang kahit papaano ay nagagawa pa rin natin ang ating #travelgoals kahit sa sala lamang ng ating mga tahanan. Kaya naman tutok na tuwing Biyernes, 8 pm sa GMA News TV at 11:30 pm naman sa GMA 7 para mapanuod ang Biyahe ni Drew.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, nagbigay ng tips upang maprotektahan ang sarili laban sa banta ng COVID-19

Solenn Heussaff, may paalala sa mommies tungkol sa postpartum workouts