in

Step by step procedure, inilabas para sa mga gustong sumali sa ‘Tutok To Win’

Hinahanap ngayon ng Wowowin host na si Willie Revillame ang mag-asawang binagtas ang 14 kilometro upang pumunta ng ospital sa gitna ng enhanced community quarantine.

Maliban sa paghanga sa kanilang pagmamahalan at katatagan, napukaw din ang atensyon ni Willie dahil sa suot na ‘Wowowin’ jacket ng lalaki habang itinutulak ang wheelchair na lulan ang kanyang asawang magpapa-dialysis.

Nais daw magpaabot ng kaunting tulong ni Willie at gusto rin niyang makilala ang mag-asawa.

Samantala, pinapaalalahanan ng Wowowin ang mga nais sumali sa ‘Tutok To Win’ na sundan ang tamang paraan ng pagsali upang makaiwas din sa pambibiktima ng mga manloloko at online scams. Naglabas din ang Wowowin ng step by step procedure kung paano pwedeng sumali at manalo sa ‘Tutok To Win.’

Una, mag-like, mag-follow at mag-subscribe sa official social media accounts ng Wowowin: sa Facebook, sa YouTube, at sa Twitter.

Ikalawa, sa pamamagitan ng private message o PM ay ipadala sa Wowowin Facebook page ang inyong pangalan at contact details. Tandaang huwag ilagay sa comment section ang inyong pangalan at numero. Ikatlo, tumutok sa Wowowin sa TV o sa live streaming nito sa official social media accounts ng Wowowin. 

At huli, hintayin ang tawag mismo ni Kuya Wil!

Tumutok lamang sa Wowowin sa TV, YouTube, Facebook at Twitter mula Lunes hanggang Biyernes dahil malay mo, ikaw na ang susunod na mananalo! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos, may awit ng pag-asa para sa mga Pilipino

Pauline Mendoza, masaya sa pagbabalik ng ‘Kambal, Karibal’ sa telebisyon