in

Lovely Abella, na-prank ng ‘Bubble Gang’ cast

Bumuhos ng katatawanan sa set ng Bubble Gang nang pagkaisahan nang makukulit at mahaharot na ‘BG Boys’ na sina Mikoy Morales, Jak Roberto, Sef Cadayona, at RJ Padilla ang walang kamuwang-muwang nilang female co-star na si Lovely Abella sa isang limbo rock prank.

Sa naturang prank, hinamon ng BG Boys si Lovely na mag-limbo rock nang naka-piring subalit ang totoo ay tatanggalin nila ang tungkod na kailangang iwasan ni Lovely.

Aliw din ang netizens na panoorin si Lovely na mistulang may iniiwasan kahit wala naman talaga. Tuwang-tuwa rin ang iba pang cast ng Bubble Gang na naki-usyoso sa nagaganap na prank.

Sa huli, nang maramdamang pinagkakaisahan siya, tinanggal ni Lovely ang piring at pabirong hinampas ang BG Boys.

Ang prank ng Brgy. Bubble ay isa lamang sa marami pang nakakaaliw na videos na mapapanood sa pinakabagong YouTube channel ng GMA Network na YouLOL.

Mapapanood sa YouLOL channel ang mga highlights at original content mula sa paboritong Kapuso comedians at GMA comedy shows gaya ng Pepito Manaloto, All-Out Sundays at Bubble Gang. Bisitahin at mag-subscribe na sa pinakabagong comedy YouTube channel na YouLOL na tiyak na magpapasaya sa inyo ngayong quarantine.

Get the latest updates via YoüLOL’s official social media accounts: www.facebook.com/YouLOLGMA, www.twitter.com/YouLOLGMA, and www.instagram.com/YouLOLGMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pauline Mendoza, masaya sa pagbabalik ng ‘Kambal, Karibal’ sa telebisyon

Aicelle Santos at Mark Zambrano, kontento na sa bahay ang honeymoon