in

GMA Music, maglalabas ng compilation album ng madamdaming mga kanta

Bilang paraan para maibsan ang pangangamba ng publiko dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa, maglalabas ng isang initiative ang GMA Music gamit ang madamdamin nilang mga kanta sa ire-release na compilation album ngayong linggo.

Inanunsyo nila ito sa Instagram kahapon, “A compilation album with the most #Heartfelt songs we’ve ever produced will be available for streaming in 3 days!”

Makakasama ang mga singles nina Alden Richards, Kyline Alcantara, Rita Daniela, Princess Velasco, Kristoffer Martin, Golden Canedo, The Clash alumni, Migo Adecer, at Jolina Magdangal.

Siguradong tatagos sa puso ng mga makikinig ng album na ito kaya paka-abangan ang launch nito sa Biyernes! Sundan ang mga updates ng GMA Music online!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mylene Dizon, ibinahagi ang kaniyang home workout routine

Alden Richards, nakipag-bonding sa fans online