in

Alden Richards, nakipag-bonding sa fans online

Isang masayahang hapon ng kwentuhan at kamustahan ang inihandog ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang fans sa gitna ng enhanced community quarantine.

Sa kanyang Instagram live, ipinakita ni Alden ang kanyang mga koleksyon, ilang parte ng kanyang bahay, mga alagang aso, at sumagot din ang Kapuso actor ng ilang questions mula sa kanyang mga tagahanga.

Ikinuwento rin ni Alden na kasama niya ang kanyang ama, nakababatang kapatid, Lolo at Lola, at mga kasambahay sa kanilang bahay sa Laguna. Siya rin daw ang runner na bumibili ng groceries para sa kanyang pamilya.

Wish ni Alden na sama-sama nating ipagdasal ang frontliners, ang mga taong maysakit, at lahat ng apektado ng COVID-19 pandemic.

Marami talaga ang nakamiss kay Alden kaya naman hindi kataka-takang nagtrend ang #Alden Richards at #IGLiveKwentuhanWithALDEN sa Twitter.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Music, maglalabas ng compilation album ng madamdaming mga kanta

Aicelle Santos, may awit ng pag-asa para sa mga Pilipino