in

‘Wowowin,’ may five million followers na; tuloy ang pagpapasaya sa mga Pilipino

Wala na talagang makakapigil pa sa Kapuso host na si Willie Revillame sa paghahatid ng saya at papremyo sa televiewers!

Lalo na’t marami ang nababahala sa banta ng COVID-19 sa bansa, hindi pababayaan ng programang Wowowin, sa pangunguna ni Willie, na hindi makapag-paabot ng tulong sa mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng panibago niyang segment na ‘Tutok to Win,’ araw-araw ay may nabibiyayaan ng mula P10,000 hanggang P50,000 sa pag-tawag lamang ni Kuya Will!

Kaya naman, parami ng parami ang suportang natatanggap ng kaniyang show! Kamakailan lang, pumalo na limang milyon ang followers ng Wowowin sa Facebook. Saludo talaga kami sa iyong mabuting puso, Kuya Will!

Patuloy subaybayan ang ‘Wowowin,’ tuwing hapon sa GMA!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez at Megan Young, nagbahagi ng coffee brewing techniques

Jillian Ward, patok na rin sa TikTok!