in

Lovely Abella, may bagong career na!

Bukod sa mahusay na pagpapatawa sa longest-running comedy show na Bubble Gang, may bago ng career na pinagkakaabalahan si Kapuso star Lovely Abella habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.

Isa na ring ganap na fitness coach online ang All-Out Sundays star sa kanyang online group na ‘Lovely Fitness Squad.’ Dahil importante sa panahon ngayon ang manatiling fit at healthy pangontra COVID-19, kinakarir ni Lovely ang pagiging mentor sa mga hindi lang nais makamit ang kanilang #BodyGoals habang naka-quarantine pati na rin sa mga nais maging healthy ang pangangatawan.

Ibinabahagi ni Lovely ang kaniyang mga sikreto sa pagiging fit at toned sa kanyang mga tinuturuan. Kahanga-hanga na sa loob ng tatlong linggo, naging mas fit ang mga tinuruan ni Lovely na sumunod sa kaniyang workout plan na kung tawagin ay HIIT (high-intensity interval training) pati na rin wastong pagkain.

“Always trust the process, motivate yourself and eat healthy,” ani ni Lovely.

Maliban sa iba’t ibang body workouts, mayroon ding ibinabahaging healthy meal tips ang Kapuso star.

Samantala, tunghanyan muli ang no contact live show ng All-Out Sundays ngayong Linggo (May 3) kasama ang mga paborito ninyong Kapuso stars upang makapagbigay aliw at makalikom ng donasyon sa mga higit na apektado ng krisis katulong ang GMA Kapuso Foundation.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, maraming life lessons na natutunan sa ‘Encantadia’

Golden Canedo, may payo sa mga sasali sa ‘The Clash’ online auditions