in

Jillian Ward, patok na rin sa TikTok!

Baguhan man ang ‘Prima Donnas’ star na si Jillian Ward sa patok na mobile app na ‘TikTok,’ agad naman siyang sinuportahan ng fans at mga taga-hanga!

Sa kauna-unahan niyang uploaded video kung saan mapapanood siyang sumasayaw sa sikat na “Squeaky-Clean Challenge” mula sa kanta ni Sabby Sousa na ‘Cream n’ Frosting,’ umabot ito ng higit three million views!

Wala pang isang linggong naka-post ito pero pinatunayan ni Jillian ang karisma niya sa Filipino audience kahit sa labas ng TV screen!

Miss na miss na siya ng kaniyang mga fans sa paborito at top-rating serye sa hapon na ‘Prima Donnas’ sa GMA Afternoon Prime bilang si Mayi. Sa ngayon, enjoy muna sila sa pagsubaybay sa TikTok journey ng teen actress! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Wowowin,’ may five million followers na; tuloy ang pagpapasaya sa mga Pilipino

Gabbi Garcia, maraming life lessons na natutunan sa ‘Encantadia’