in

Ms. Everything at DJ Loonyo, nagpakilig sa ‘All-Out Sundays’ online show

Special guests ang TikTok sensations ngayon na sina DJ Loonyo at Ms. Everything sa ginanap na All-Out Sundays: Stay Home Party nitong nakaraang Linggo (April 26).

Kilig na kilig naman ang netizens sa dance tutorial ng pinakabagong internet heartthrob na si DJ Loonyo kasama sina Rayver Cruz, Mavy Gonzales, at Miguel Tanfelix na kapwa sikat din sa TikTok.

Abot langit naman ang kilig ng kinaaaliwang si Ms. Everything sa isang dating game kung saan nagsilbi siyang searcher. Kani-kaniya namang malulupit na pickup lines ang searchees na sina DJ Loonyo, Ken Chan, at Rayver Cruz.

“Panganib ka ba? Kasi bumibilis yung tibok ng puso ko ‘pag nandiyan ka,” hirit ni DJ Loonyo kay Ms. Everything.

Sa huli si Ken Chan ang nagwagi sa dating game na magiging ka-date ni Ms. Everything pagkatapos ng enhanced community quarantine.

Ang no contact live show ng All-Out Sundays tuwing Linggo ay hindi lamang para makapag-bigay aliw sa mga kababayan nating lumalaban kontra COVID-19 kung hindi para na rin makalikom ng donasyon sa mga higit na apektado ng krisis katulong ang GMA Kapuso Foundation.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Betong Sumaya, ibinahagi ang realizations sa gitna ng COVID-19 pandemic

Megan Young at kapwa Miss World winners, suportado ang frontliners