in

Christian Bautista, pinayuhan ang online auditionees ng ‘The Clash’

Bunsod ng banta ng COVID-19, sa halip na live at personal ang auditions, nagsasagawa ngayon ng online auditions ang The Clash Season 3 para sa mga nais ipamalas ang kanilang talento sa pagkanta.

Dahil hindi personal ang screening ng auditionees, may importanteng mensahe naman si The Clash judge at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista sa mga magsusumite ng kanilang audition piece.

“Make sure kung ano ‘yung isa-submit n’yo is the best,” ani ni Christian.

Malaki raw kasi ang opportunity at tsansa kapag online auditions dahil kahit maka-ilang take ang auditionee ay ayos lang sapagkat hindi ito live. Siguraduhin daw na na-review ang isusumite na audition piece at dapat ay may impact ito agad kapag pinanood.

Sagot naman ni Christian kung itutuloy ba nito ang pagiging istriktong judge sa The Clash, “If you do it from a place of concern and not a place of attack then later on, they will realize na kaya pala n’ya ko pinush nang hard para ‘pag tumalon at bumagsak ako sa tubig at natuto akong lumangoy, maliligtas pala ko.”

Samantala, tumatanggap pa rin ang The Clash ng audition entries hanggang June 28, 2020 sa GMANetwork.com at sa official Facebook page ng The Clash.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Brigada,’ may online series alay sa frontliners

Carla Abellana, paglalaba at pag-aalaga ng aso ang pinagkakaabalahan ngayong quarantine