in

Shaira Diaz, namigay ng PPEs at pagkain sa frontliners

Kabilang sa mga artistang tumutulong sa frontliners ang Kapuso actress na si Shaira Diaz. Ipinakita niya sa kaniyang latest vlog ang ginawang pamamahagi ng PPEs at packed meals sa mga healthcare worker.

Kasama ang mga malalapit na kaibigan, inumpisahan ni Shaira ang fundraiser niyang ‘BBs For A Cause’ na agad nakalikom ng pondo para makabili ng mga kagamitan na ipamimigay sa magigiting na frontliners.

Nagpasalamat din siya sa mga naghatid ng tulong sa kanilang campaign. Aniya, “Gusto ko lang pong magpasalamat once again sa lahat po ng nag-donate.

Actually ito pong ginawa namin, nag-fundraising po kaming magkakaibigan, kaming magkakabarkada. May ilan rin po na unknown na nag-donate sa amin na hindi namin kakilala at hindi rin nagpakilala.” Nakapag-produce sila ng 33 PPEs, 50 face masks, 50 rin na face shields na binigay sa Las Pinas General Hospital. Saludo kami sayo, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carmina Villarroel, ibinahagi ang kaniyang home workout routine

Anthony Rosaldo, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation