in

Max Collins, naghihintay ng approval mula sa doktor para sa water birth

Nasa ikatlong trimester na ng pagbubuntis ang Kapuso actress na si Max Collins. Sa isang interview, sinabi ni Max na napag-desisyunan nila ng asawang si Pancho Magno ang water birth sa bahay noong nagsimulang lumala ang banta ng COVID-19.

Aniya, “Ever since kumalat ‘yung virus, that’s when we really started considering water birth at home because I don’t want to put myself and my family at risk sa hospital. So I just think that maybe more comfortable ‘pag nasa bahay, I think that’s the best option for us na umiwas sa ospital and sa crowded areas.”

Ipinaliwanag rin ni Max na naghihintay pa sila ng clearance ng doctor dahil hindi nila makakasama ang OB-Gyn sakaling ituloy nila ang water birth, “What I’m gonna do is a gentle birth, so ‘pag ganoon, it’s a midwife who oversees the birth and a doula. I already brought it up to my OB na I’m considering water birth at home, so I have to figure out if I’m physically capable to do that. We’ll probably find out, maybe, next month,” dagdag ni Max.

Ngayong July nakatakdang magsilang si Max ng isang baby boy.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

AiAi delas Alas, ginupitan ang asawang si Gerald Sibayan

Juancho at Joyce, nakakaramdam ng anxieties bunsod ng COVID-19 pandemic