in

Jasmine Curtis-Smith, ibinahagi ang experience bilang mag-isa ngayong lockdown

Naging challenging para sa Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine dahil nag-iisa siyang nakatira ngayon sa kanyang bahay.

Ang pamilya niya, kabilang ang kapatid na si Anne Curtis, ay na sa Australia pa rin at hindi maka-uwi.

Ikinuwento ni Jasmine kung paano siya nagco-cope sa isang interview with GMA, “If I can be honest, nitong last weekend, medyo umiikot na ‘yung utak ko, anxiety started na parang ‘pag mag-isa ka, ‘yung challenge is mabato ka sa pagiging mag-isa mo, that definitely sparks anxiety and loneliness.”

Dagdag niya, habang tumatagal ay lalo niyang namimiss ang kaniyang mga mahal sa buhay. Sa ngayon, inaaliw na lamang daw niya ang sarili sa regular na pakikipag-usap sa mga kaibigan at relatives niya.

Tigil pa rin ang taping nila Jasmine sa kinabibilangang PH adaptation ng hit na ‘Descendants of the Sun’ kung saan siya ay gumaganap bilang si Moira.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Juancho at Joyce, nakakaramdam ng anxieties bunsod ng COVID-19 pandemic

Andre Paras, may upcoming online show