in

Baeby Baste, may sweet message para sa amang frontliner

Prayers at sweet message ang handog ng cute na cute na Eat Bulaga host na si Baeby Baste sa kanyang amang pulis na kamakailan lamang ay naka-recover mula sa sakit na COVID-19.

Isa ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol sa mga nagpositibo sa virus mula sa Philippine National Police. Sa isang eksklusibong panayam mula sa 24 Oras, inamin ni Baeby Baste na sobra nitong nami-miss ang ama na balik serbisyo kaagad matapos gumaling.

Hindi raw ito makauwi dahil isa ito sa mga patuloy na nagbibigay serbisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Lord kayo na po bahala sa Papa Sol ko at sa iba’t ibang frontliners sa buong mundo. Alam ko po ‘di N’yo po sila pababayaan. Kaya please lang Lord, i-protect N’yo po sila kasi sobrang dami pong naghihintay sa kanila, mga families nila,” dagdag pa ng Kapuso star.

Kahit miss na ang kanyang amang frontliner, tuloy pa rin sa pagpapaabot ng food at medical supplies sa mga PNP frontliners si Baeby Baste.

“Saludo po kami sa inyo. In our own little way, sana po ay makapag bigay ng ngiti po ito sa inyo… ipag-pray ko po kayong lahat,” ani ni Baeby Baste.

Samantala, tutukan si Baeby Baste at Maine Mendoza sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na ‘Adventures ni Laura Patola and Duwen-Ding’ ngayong Linggo (April 26) sa GMA-7

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rodjun Cruz at Dianne Medina, nagpaabot ng tulong sa mga apektado ng health crisis

Arny Ross, ang wedding preparations