in

Anthony Rosaldo, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation

Bilang donasyon sa “Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19,” idinonate ni Kapuso singer Anthony Rosaldo sa GMA Kapuso Foundation ang kanyang natanggap na P50,000 talent fee mula sa Lazada For Good, isang fundraising concert series ng e-commerce company na Lazada.

Patuloy pa rin ang paglikom ng GMA Kapuso Foundation ng pondo para sa mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital. Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapag-hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.

Kung nais mag-donate sa GMA Kapuso Foundation, bisitahin lamang ang kanilang official website.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Shaira Diaz, namigay ng PPEs at pagkain sa frontliners

Willie Revillame, nagbabala tungkol sa mga pekeng accounts na ginagamit ang ‘Wowowin’