in

AiAi delas Alas, ginupitan ang asawang si Gerald Sibayan

Dahil hindi pa rin makalabas sa kanilang tahanan bunsod ng pinatupad na enchanced community quarantine sa Luzon, nagdesisyon ang Kapuso actress na si AiAi delas Alas na siya na lang ang gugupit sa buhok ng asawang si Gerald Sibayan.

At dahil idol niya ang Korean actor na si Park Seo Joon, ginaya niya ang haircut nito para sa asawa. Aliw ang video na pinost ni AiAi sa Instagram habang ginugupitan si Gerald.

Pati ang kanyang followers ay tuwang-tuwa sa naging new look ni Gerald. Humingi naman ng paumanhin si AiAi sa asawa dahil hindi niya nagaya ang iconic haircut ng kanyang idolo.

Aniya, “Hindi na achieve si PSJ kaya rocker nalang sya haha. Hahaha napalalim sorry darl hahaha @gerald_sibayan.”

Thankful at na-appreciate pa rin naman ni Gerald ang binigay na effort ni AiAi para sa kanyang haircut.

Samantala, habang naka-lockdown sa kanilang bahay, pinagkakaabalahan ngayon ni AiAi ang pagbe-bake ng iba’t ibang pastries. Patok sa fans ang kanyang ube pandesal na marami na ang umoorder at bumibili. Katuwang niya ang kanyang pamilya sa pagbake ng mga ito kaya naman nagpapasalamat si AiAi na may extra kita siya kahit naka-quarantine. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arny Ross, ang wedding preparations

Max Collins, naghihintay ng approval mula sa doktor para sa water birth