in

Rocco Nacino, mga alagang aso ang nagpapaligaya ngayong quarantine

Dahil sa kanyang busy schedule, aminado si Kapuso hunk actor at Descendants of the Sun star Rocco Nacino na nawalan ito ng oras sa kanyang mga alagang aso. Hindi niya tuloy pinalalagpas ang extra time niya sa bahay dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine para makipag-bonding sa cute na cute nitong fur babies na sina Valentine, Arrow, at Cloud. Pagbabahagi pa ni Rocco, mas naging malambing at malapit daw ang mga aso nito sa kanya magmula nang mas matagal siyang malagi sa bahay.

“Sharing my OOTD with my corgis, since I realized during this ECQ that I haven’t really spent enough time with them when I was busy with tapings and shoots,” ani ni Rocco sa kanyang Instagram post.

Thankful din ang Kapuso actor sa mga alagang aso na source of happiness n’ya ngayong stuck at home at wala itong ibang mapagkaabalahan, “Thank you for always making me smile pups!”

Dahil isang Philippine Navy reservist at frontliner, aktibo rin si Rocco sa pamamahagi ng tulong sa mga higit na apektado ng krisis ngayon. Samantala, napapanood pa rin ang rerun ng Encatandia sa timeslot ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez at Megan Young, ibinahagi ang wedding video

Sunshine Dizon, simpleng birthday celebration ang hatid sa anak