in

Michael V. at Carol Bunagan, nagdiwang ng kanilang 26th wedding anniversary sa gitna ng ECQ

Pribado man ang relasyon ng mag-asawang sina Bubble Gang star Michael V. at Carol Bunagan, nananatili namang matatag at happily married ang dalawa through the years.

Sa katunayan, nitong Linggo (April 19) ay pinagdiwang nila ang kanilang 26th wedding anniversary kahit pa man stuck at home dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

Lumabas naman ang creativity ng award-winning comedian/content creator na si Bitoy sa pagpapahayag ng pagmamahal nito sa asawa sa pamamagitan ng handog na short video na may lamang sweet message.

Nais man daw na ilabas ni Bitoy ang asawa upang i-celebrate ang kanilang anniversary, ang mahalaga raw ang magkasama sila. Kahit naging simple lang ang kanilang selebrasyon this year, naniniwala si Carol na ang importante ay kasama raw niya ang kanyang mister.

Bukod sa pagiging mag-asawa, si Carol ay tumatayong talent manager din ni Michael V. at executive producer ng Mic Test Entertainment.

Samantala, napapanood pa rin ang kwelang barkadahan ng Bubble Gang tuwing Biyernes sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network, waging muli sa New York Festivals