in

Janine Gutierrez, ikinatuwa ang Filipino sign language interpreter sa ’24 Oras’

Nitong Lunes (April 20), mapapansin ang maliit na box sa lower right corner ng TV kung saan isang babae ang nagsesenyas habang nagbabalita ang mga reporters ng 24 Oras.

Isa siya sa mga Filipino sign language interpreters na tumutulong upang maipaabot ang balita sa deaf community sa Pilipinas lalo pa at patuloy na lumalaganap ang COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Sa kanyang Twitter ay ikinatuwa at pinuri ni Kapuso actress Janine Gutierrez ang ginawang kilos na ito ng 24 Oras, “So good that there’s Filipino Sign Language on the news now. Sana tuloy-tuloy na, even when the crisis is over.”

Pagbabahagi naman ng isang netizen sa post ni Janine ay lumaki raw siyang mayroon na talagang sign language interpreter ang GMA News at masaya siyang muli itong ibinalik ng Kapuso Network.

Pinasalamatan naman si Janine ng isang miyembro ng deaf community sa ipinakitang pagmamalasakit ng aktres, “Much appreciated your thoughtfulness and supporting our deaf community. I hope one day you may learn the Filipino Sign Language to communicate with deaf people.” Isiniwalat naman ng Kapuso actress na kasalukuyan siyang nag-aaral ng Filipino sign language. Ayon sa pagsusuri, mainam na aksyon ang pagkakaroon ng sign language interpreters sa mga balita upang labanan ang COVID-19 pandemic.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Pinoy TV, nagbigay-pugay sa yumaong frontliners

Jennylyn Mercado, umaming muntik nang hind mag-audition sa StarStruck