in

Drew Arellano, sinuportahan ng mga kaibigan sa “Drew’s Closet”

Full-support ang mga kaibigan at kapwa artista ng Biyahe ni Drew at AHA! host na si Drew Arellano sa kanyang ginawang online charity event. Tinawag niyang “Drew’s Closet” ang nasabing initiative kung saan nagpapa-auction siya ng kanyang pre-loved items thru Facebook Live. Ang proceeds ng sale ay mapupunta sa charity na tumutulong sa mga taong apektado ng COVID-19. 

Sa unang episode nito, ang fellow actor at athlete na si Matteo Gudicelli ang nakasama ng Kapuso star sa pagbenta ng items na mostly ay triathlon memorabilia. Sa sumunod na “Drew’s Closet”, ang kaibigan at kapwa motorcycle enthusiast naman ni Drew na si Jericho Rosales ang nakibahagi sa nasabing online charity event. Ilan sa mga ibinenta ni Jericho ang mga motorcycle gear na napamahal na rin sa actor. 

Nakatutuwa na sa pamamagitan ng ganitong activities ay nagkakaroon ng pagkakataon ang celebrities na magkaisa at magtulungan para sa isang magandang gawain. Sabi ni Drew sa kanyang naunang post, lahat naman daw tayo ay nais makatulong sa mga apektado ng COVID-19. Sana ay marami pang sumuporta sa Drew’s Closet para mas marami rin itong matulungang kababayan natin.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sunshine Dizon, simpleng birthday celebration ang hatid sa anak

SFT reporters, nagbahagi ng karanasan sa “MoJo”