in

Chynna Ortaleza, ibinahagi kung paano inorganisa ang birthday celebration ng anak habang naka-quarantine

Kahit na apektado ng enhanced community quarantine, siniguro ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza at asawang si Kean Cipriano na mabibigyan pa rin nila ng meaningful birthday celebration ang panganay na anak na si Stellar.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Chynna kung paano naging extra special ang birthday ng anak, “I’ve always loved simple celebrations but this year is extra special. The only thing we wish we had here is our family. Pero celebrating sila with us from their homes naman :)”

Kwento pa ng Idol sa Kusina host, nag-request daw si Stellar ng pink cake para sa kanyang birthday. Buti na lang at may kaibigan siyang gumagawa ng cakes kaya nabigay nila ang request ng anak.

Nag-order din sila ng baked macaroni sa kaibigang si Karel Marquez. Maging ang kanilang mga kapitbahay ay tumulong para maka-order sila ng doughnuts. Kaya naman, masayang-masaya ang pamilya ni Chynna sa naging simpleng birthday celebration ni Stellar sa kanilang bahay. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Artist Center talents, sama-samang nag-repack ng food supplies

Serye ni Yasmien Kurdi na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, patok sa Ecuador