in

Rodjun Cruz at Dianne Medina, may ipapangalan na sa kanilang baby!

Excited ang recently-married couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa kanilang ine-expect na first baby na kanilang inanunsyo nitong Easter Sunday, April 12.

Ayon kay Dianne, anim na brand ng pregnancy test ang ginamit niya para matiyak na buntis siya. Parehas na dream come true at answered prayer para sa mag-asawa ang blessing na paparating.

Dahil sa lumalaganap na COVID-19, very protective rin daw si Rodjun sa asawa at baby nito sa mga tao sa bahay, “Kailangan naghuhugas ng kamay and protected din talaga. Kapag kailangang lumabas, kailangan naka-mask tapos naka-gloves and laging naliligo.”

Inamin din ni Dianne na maselan ang kanyang pagbubuntis, “It was really very crucial because my OB advised me to take a bed rest,” aniya. 17 weeks na ang pinagbubuntis ni Dianne at may pangalan na raw sila para sa kanilang baby.

Kapag babae raw ay ipapangalan nila sa kanilang mga yumaong nanay, “We’re planning na i-name ‘yung baby naming sa name ng mom ko and sa name ng mom niya.”

Samantala, kung lalaki naman ang kanilang panganay ay same name raw kay Rodjun, “Kung lalaki kasi, junior ako, so iniisip naming kung gagawin ba namin na same na rin ng name ko pero magiging III ‘yun or mag-isip pa kami ng pangalan talaga. Hindi pa kami sure.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Max Collins, humingi ng tulong para sa mga kababayan sa Boracay

Marian Rivera, ipagbe-bake ng homemade cake si Ziggy para sa kanyang birthday