in

Gabbi Garcia, nagpamahagi ng PPEs sa mga ospital

Successful ang naging donation drive ng Global Endorser at Kapuso star na si Gabbi Garcia kasama ang kaniyang boyfriend at mga kaibigan sa ‘Pay it Forward PH’ dahil nakalikom sila ng malaking halaga para sa mga frontliners ng Pasay at Parañaque hospitals.

Noong Lunes, April 14, nag-umpisa nang mamahagi sina Gabbi ng 400 personal protective equipment (PPE) suits para sa healthcare workers ng Ospital ng Parañaque 1 at Pasay City General Hospital.

Sinamahan din nila ito ng higit dalawang libong face masks, face shields, at food supplements.

Umaapaw ang saya ng puso ni Gabbi sa nagawang pag-tulong. Ipinakita niya ang mga ipinadalang gamit sa Instagram stories niya at pinasalamatan ang lahat ng nag-abot ng kanilang makakaya.

Ongoing pa ang pagkalap ng ‘Pay it Forward’ para matugunan ang mga pangangailangan ng mga frontliner sa bansa.

For more info on how to help, pumunta lamang sa mga social media pages ng aktres.

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi bilang si Alena sa 2016 remake ng ‘Encantadia’ na muling ipinapalabas sa GMA Telebabad gabi-gabi.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Artist Center stars, nanawagan ng donasyon para sa Project RICE Up

Max Collins, humingi ng tulong para sa mga kababayan sa Boracay