in

Unang acting project ni Hipon Girl Herlene Budol na ‘Yaya Dubai and I’, muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’

Ngayong Sabado (April 18) sa Magpakailanman, muling balikan ang istorya ng isang OFW na naging malapit ang loob sa kanyang amo.

Ito ang totoong kuwento ni Jenny, isang OFW na nadestino sa Dubai upang mag-alaga ng isang sanggol na may cerebral palsy.

Lubos na napamahal si Jenny sa kanyang alaga na ikinahanga ng gwapong Egyptian boss na si Hany. Kaya nang hiwalayan ni Hany ang first wife, unti-unti nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Ngunit si Jenny ay may boyfriend sa Pilipinas, at si Hany ay nagpakasal uli sa iba.

Sa pangunguna ni “Hipon Girl” Harlene Budol, kasama sina Lotlot De Leon, Vaness Del Moral, Mike Agassi, Euwenn Aleta, Marlon Mance, Ana De Leon, at Joaquin Manansala, at mula sa direksyon ni Jorron Monroy, ‘wag palalampasin ang “Yaya Dubai and I” ngayong Sabado nang gabi sa Magpakailanman.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tom Rodriguez, ginamit ang husay sa pagguhit para makalikom ng donasyon

Dingdong Dantes, ginupitan ni Marian Rivera