in

Mavy at Cassy Legaspi, pinanggigilan ng netizens ang baby video

May pagkakahawig man sa itsura ang celebrity twins na sina Mavy at Cassy Legaspi na anak ni Sarap ‘Di Ba? host Carmina Villarroel at Bilangin ang Bituin sa Langit star Zoren Legaspi, magkalayo naman ang kanilang personality noong baby pa sila. Sa throwback video na ipinost ni Cassy sa kanyang Instagram, habang nakangiti ang kambal nitong si Mavy at nakabusangot naman ang mukha ni Cassy.

“A happy baby Mavy…then there’s me, a grumpy baby Cassy,” ani ng Kapuso star.

Pinanggigilan naman ng netizens ang super adorable video ni Cassy maging kapwa artists na sina Kyline Alcantara, Rodjun Cruz, Thia Thomalla at Pamela Prinster.

Nirepost naman ng kanilang supportive mom na si Carmina ang naturang video na pinagpiyestahan din ng kaniyang followers, “Oh my they were so adorable as babies especially now that they’re grown ups.”

Samantala, makakasama naman nina Carmina, Mavy, at Cassy ngayong Sabado (April 18) sa Sarap ‘Di Ba? sina DJ Onse, Teri Onor, at Kim Last 9:45am, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Elijah Alejo, teacher’s pet nga ba?

Rhian Ramos, tinuruan ng Tagalog ang nobyong foreigner