in

Marian Rivera at Dingdong Dantes, simpleng selebrasyon ang handog kay baby Ziggy

Kahapon, Abril 16, ang unang kaarawan ng anak nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Primetime King Dingdong Dantes na si Baby Ziggy.

Subalit dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa bansa, isang simpleng selebrasyon lamang ang handog ng mag-asawa sa kanilang anak. Para sa first birthday ni Ziggy, nag-bake ng cake at gumawa ng ice cream si Marian gamit ang mga available ingredients sa kanilang kusina.

Sa kanyang Instagram, binahagi rin ni Marian ang cute na cute na picture ni Sixto na tila’y masayang naglalaro sa kanilang bakuran. “Ligo na tayo anak at kakantahan ka na namin ng Happy Birthday!”

Bukod sa haircut, may handog namang heartfelt message si Dingdong kay baby Ziggy na nagpaiyak sa mga netizens maging ilang celebrities. Ayon kay Dingdong, kahit konti lamang daw sila na magdiriwang ng kaarawan ng anak, marami raw ang nagmamahal dito na hindi nga lang makadalo dahil na rin sa banta ng COVID-19.

“But please know that there are many people like your cousins, grandparents, godparents and relatives who wish to see you and be with you today, probably to give a gift, a cake, or a simple tight warm hug.”

Dagdag pa ni Dingdong, mainam daw na gamitin ang panahon na ito upang mas pangalagaan ng isa’t isa ang ating mundong ginagalawan maging ang mga taong nakakasalamuha.

Samantala, magbabalik-telebisyon si Marian sa pagbibidahan nitong GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion. Pansamantala namang pinalitan ng Encantadia ang timeslot ng pinagbibidahang series ni Dingdong na Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, tinuruan ng Tagalog ang nobyong foreigner

Stand for Truth, isang taon na!