in

Bianca Umali, ibabahagi ang hilig sa adventure sa ‘Amazing Earth’

Likas pala na adventurous at mahilig sa beach ang sought-after Kapuso star na si Bianca Umali. Hindi lang dahil sa ginampanan nitong karakter na si Sahaya na may angking koneksyion sa tubig, pansin na pansin sa mga posts ni Bianca sa social media na enjoy na enjoy ang young actress sa dagat.

Kaya naman ngayong Linggo, excited na ibabahagi ni Bianca ang kanyang passion sa kalikasan maging ang hilig nito sa mga outdoor activities gaya ng cliff diving, mountain hiking at iba pa.

Bukod kay Bianca, masasaksihan din ng mga Kapuso ang dream come true na European Motorcycle Adventure ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang natatanging paglalakbay.

Saksihan lahat ng ‘yan ngayong Linggo (April 19) sa Amazing Earth pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame, mas palalawigin ang pagtulong ng ‘Wowowin’

Elijah Alejo, teacher’s pet nga ba?