Patuloy ang suporta ng GMA Artist Center stars sa Project RICE Up. Layong matulungan ng proyektong ito ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. Nais ng Kapuso artists na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa.
“With the extended enhanced community quarantine, the most vulnerable need our help now more than ever. We must look after our kababayans. Join the Project Rice Up by GMA Artist Center. Any amount will do. Together, we will all rise up from this pandemic,” ani Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Naniniwala naman ang hunk actor na si Jak Roberto na kung magtutulungan ay malalampasan ng bansa ang kinakaharap na pandemic, “Kami po ay naniniwalang kailangan pa nating paigtingin ang pagbabayanihan. Kapit lang po tayo! Kayang-kaya nating lagpasan ang kahit anumang krisis na pagdadaanan natin, basta sama-sama at tulong tulong po tayo.”
As of April 12, mayroon ng pondo para sa 400 na sako ng bigas ang GMAAC na siyang ipapamahagi ng GMA Kapuso Foundation sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan. Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito https://ticket2me.net/e/6520/tickets.