in

Alden Richards, binuksan na ang business sa Laguna

Muling binuksan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang kaniyang fast food restaurant sa Biñan Highway sa Laguna matapos itong isara bilang pagsunod sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad noong Marso.

Ilang linggo rin itong tumigil ng operations ngunit napagdesisyunan ng actor na i-resume na ang trabaho rito.

Ayon ito sa anunsyo ng kaniyang ama na si Richard Faulkerson Sr. Pinaalalahan din niya ang mga customers na sumunod sa social distancing na patakaran, “Maraming salamat po! Maayos na pila, maayos na serbisyo.”

Simula kahapon, puwede na ulit umorder sa pamamagitan ng Drive-Thru at Take-Out dito.

Samantala, abala pa rin ngayon si Alden sa pagtulong sa mga frontliners at apektado ng COVID-19 sa iba’t ibang paraan habang tigil muna sa pag-ere ang Centerstage, kung saan siya ang host.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Wowowin,’ balik-telebisyon na!

Legaspi family, tulung-tulong sa paghahatid ng donasyon