in ,

Aiko Melendez, pinuri ang ‘Prima Donnas’ co-star na si Sofia Pablo

Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, tigil muna sa taping ang mga serye sa telebisyon gaya ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Miss na rin tuloy ng netizens ang tatlong Donnas na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) maging ang kinaha-hayblad nilang karakter na si Brianna (Elijah Allejo).

Sa litratong ipinost ni Aiko Melendez o Kendra sa kanyang Instagram account, pinanggigilan ng netizens ang napaka-cute na itsura ni Sofia noong bata pa ito kasama ang beteranang aktres.

Ibinahagi ni Aiko ang litrato nilang dalawa bilang pasasalamat sa pagpapaabot ng tulong ng Kapuso teen star sa kanyang fundraising initiative para sa mga frontliner at naapektuhan ng COVID-19.

“Hulaan nyo sino ang magandang bata na to? Salamat sa help mo sa fund raising namin. God will bless you more and more! Thank you also to your mom Ms. Reema. You really are beautiful inside and out,” ani ni Aiko.

Agad namang nahulaan ng netizens na si Sofia ang kasama ni Aiko sa naturang lumang litrato. Hiling din ng netizens na bumuti na ang lagay ng mga naapektuhan ng COVID-19 at tuluyan nang mawala ang sakit upang mapanood na nilang muli ang Prima Donnas.

Pansamantala namang napapanood ang Onanay bilang kapalit ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joyce Pring, tinalakay ang mental health sa gitna ng COVID-19

GMA Artist Center stars, tuluy-tuloy ang suporta sa Project RICE Up