Maganda ang simula ng bagong dekada para sa ABS-CBN na patuloy pa ring tinatangkilik ng sambayanan sa paghahatid nito ng makabuluhang mga programa sa telebisyon matapos nitong magkamit ng average audience share na 38%, laban sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.
Nangunguna pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (30.3%), habang pasok na agad sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa ang teleserye ng LizQuen na “Make it With You” (27.5%). Samantala, tinutukan naman ang pagtatapos ng “Starla” (27%) sa primetime.
Kabilang din sa listahan ng top-rating programs ang “TV Patrol” (24.5%), “Your Moment” (20.7%), “Maalaala Mo Kaya” (19.9%), and “Rated K: Handa Na Ba Kayo?” (19.7%).
Tinutukan ang ABS-CBN sa lahat ng time block noong Enero, lalo na sa primetime sa pagtala nito ng average audience share na 41%, laban sa 33% ng GMA. Panalo rin ang Kapamilya network sa morning block (6AM-12NN) sa pagrehistro nito ng average audience share na 34%, kumpara sa 27% ng GMA; sa noontime block (12NN-3pm) sa pagkamit nito ng 37% kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagkuha nito ng 39%, kontra sa 37% ng GMA.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.