in

‘Wowowin,’ may handog na bagong sorpresa

Ipinasilip ni Willie Revillame ang isa sa pinakabagong handog ng Tutok To Win sa Wowowin, ang Will Cart. 

Pahayag ni Willie, nais niyang matulungan ang mga kababayan nating magkaroon ng hanap-buhay sa pagsusulong ng “business on wheels.”

Tatlong disensyo ang nasa isip ng Kapuso TV host: isang pang-fishball, isang pang-kainan, at isang tindahan ng mga damit.

Inanunsyo rin ni Willie may mga dapat pang abangang sorpresa sa kanyang programa. Kung umabot daw sa 10 million subscribers ang naka-follow sa Wowowin Facebook page ay mamimigay siya ng PhP 50,000 sa kanyang mga matatawagan.

“Pag umabot naman ho tayo ng January 27, birthday ko, mamimigay ako ng house and lot. Sa birthday ko, mamimigay ako ng house and lot sa inyo at mamimigay ako ng pangkabuhayan na sasakyan para ho meron kayong magamit. Pangako ko ‘yan, galing po sa akin ‘yan. Hindi po ‘yan mapapako dahil ako po ang magsasabi,” anunsyo ni Willie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Tagalized Thai series na ‘Still 2gether,’ ‘I’m Tee Me Too,’ at ‘Come to Me,’ malapit nang magpakilig sa iWant

Gabbi Garcia, ibinida ang closet tour