in

‘Voltes V: Legacy’ ng GMA Network, nagsimula na sa casting

Mukhang mahaba-haba pa ang lalakbayin ng ‘Voltes V: Legacy’ at ngayon pa lamang ay nagsisimula na silang maghanap ng mga artistang babagay sa mga mahahalagang papel sa classic anime na ito.

Maliban kay Steve Armstrong, marami rin ang gustong makipila sa mga favorite characters na sina Mark Gordon, Big Bert Armstrong, Little John Armstrong at Jamie Robinson pati na rin ang mga kalaban na sina Prince Zardos, Draco, Zandra at Zuhl.

Nagpost na nga ang direktor nito sa kanyang Instagram account sa muling pagbubukas ng auditions para sa bigating Kapuso adaptation ng ‘Voltes V.’