in

Virtual reunion ng cast ng ‘Ismol Family,’ ngayong Linggo na

Kasado na ngayong Linggo (Mayo 24) ang pinakaaabangang virtual reunion ng cast ng well-loved family sitcom ng GMA na ‘Ismol Family.’

Ang much awaited grand online reunion na ito na #IsmolGathering ay mapapanood sa newest comedy channel na YouLOL. Siguradong matutuwa ang lahat ng naging loyal viewers ng programa dahil muling mapapanood na magkakasama ang cast sa pangunguna nina Majay (Carla Abellana) at Jingo Ismol (Ryan Agoncillo. Isa sa mga excited sa reunion na ito ay si Carla.

Aniya, “Ang #IsmolFamily may virtual reunion sa Linggo! Tara na at join na kayo sa online gathering namin! Masaya ito, promise. #YouLOL #IsmolGathering.” Huwag palalampasin ang live chat ng cast ngayong Linggo sa comedy channel ng GMA na YouLOL.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Julie Anne San Jose, excited para sa mga mapapabilang sa ‘The Clash Season 3’

Janine Gutierrez, ipinasilip ang kanyang ‘new normal’ habang naka-lockdown