in

Viewers, relate sa mga bagong shows ng GMA News TV!

Kahit kami ay nakaka-relate sa bagong shows ng GMA News TV na bumubuo sa New Normal: The Survival Guide na napapanuod gabi-gabi pagkatapos ng simulcast ng 24 Oras. Talaga kasing informative ang show na iba-iba ang tinatalakay na topic ngayong tayo nga ay masasabing nangangapa pa rin sa ‘new normal’.

Seryoso man ang topic ni Mareng Winnie sa Newsmakers pag Lunes, binabawi naman n’ya ito sa aliw segment niyang “Tita Winnie Tries”. Pag Tuesday, light pero minsa’y may kurot sa puso ang hatid ni Kara David sa Bright Side. At kahit kuwela ang atake ni Susan Enriquez sa Pera Paraan, seryosong usapan din ang paghawak ng pera lalo na these days.

Relate rin, malamang, kay Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez, ang viewers na trying to run the household on their own tuwing Thursday in Home Work. At may katuwang na ang parents sa ‘new normal’ dahil sa Family Time ni Drew Arellano every Friday. Sa mga nababasa namin online, positive ang feedback ng netizens sa programming na ito ng Kapuso Network. Talaga kasing pasok sa banga ngayong lahat tayo ay nag-iba ang pamumuhay dahil sa pandemya. Looking forward kami sa mga susunod pang episode ng bawat show.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Doc Ferds at Doc Nielsen, balik wild life na ngayong Linggo

Sheena Halili, ipinasilip ang baby bump