in

Viewers, may bagong ABS-CBN shows na aabangan sa Kapamilya Online Live

Mas masaya at exciting ang panonood ng ABS-CBN shows sa Kapamilya Online Live (KOL) sa pagdating ng “Huwag Kang Mangamba,” “Count Your Lucky Stars,” “Aja Aja Tayo sa Jeju,” at “Almost Paradise” na mae-enjoy ng publiko nang libre at may unlimited replay ng pitong araw.

Tulad ng ibang programa sa KOL, pwedeng ulit-ulitin ang pinakabagong episode ng mga programang ito sa loob ng pitong araw matapos silang unang ipalabas sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Bida sa bagong inspirational series na “Huwag Kang Mangamba” ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin. Agad nitong napukaw ang damdamin ng manonood dahil sa napapanahon nitong kwento tungkol sa dalawang dalagitang milagrong nabuhay matapos ang aksidente at bibigyan ng misyon ni “Bro.”

Ipapasyal naman nina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Robi Domingo ang mga manonood sa Jeju Island at kikilalanin pa ang kultura sa South Korea sa reality-variety show na “Aja! Aja! Tayo sa Jeju.”

Magkatambal ang orihinal na Dao Ming Si na si Jerry Yan at ang Shan Cai ng bagong henerasyon na si Shen Yue sa “Count Your Lucky Stars” na tungkol sa dalawang fashion designers na magkakapalit ng kapalaran. Ang 2020 romcom fantasy drama series na ito ay available lamang sa KOL viewers dito sa Pilipinas, tulad ng “Almost Paradise” ng ABS-CBN at Electric Entertainment.

Bida naman ang Hollywood actor na si Christian Kane kasama ang all-star Filipino cast sa “Almost Paradise,” ang unang U.S. series na kinuhanan nang buo sa Pilipinas ng production team na binubuo ng mga Pilipino. Tungkol ang crime drama series na ito sa isang dating American secret agent na mababalik sa dating buhay sa kanyang pagtulong sa pagtugis ng mga kriminal na gugulo sa kanyang tinitirhang paraiso.

Maliban sa apat na programang ito, parating na rin sa KOL ang “Init sa Magdamag” at “La Vida Lena.” Mapapanood pa rin doon ang iba pang palabas tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Walang Hanggang Paalam,” “Bagong Umaga,” “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay,” “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Iba ‘Yan,” “MMK,” at marami pang iba.

Para sa kumpletong episodes ng mga programa ng ABS-CBN, magrehistro lang sa iWantTFC at mag-download ng app (iOs and Android) o bumisita sa iwanttfc.com.

Mag-livestream ng inyong paboritong Kapamilya shows sa Kapamilya Online Live, na available sa mga piling teritoryo sa mundo. Mag-subscribe lang sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment (youtube.com/abscbnentertainment) at i-like ang Facebook page nito (fb.com/ABSCBNnetwork). Para sa buong programming schedule, pumunta sa kapamilyaonlinelive.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jasmine Curtis-Smith, nakaranas ng wardrobe malfunction sa ‘General Admission’

Pagtugon ng ABS-CBN sa pandemya ng COVID-19, nanalo ng Philippine Quill Award