in

‘The Panti Sisters,’ tuloy-tuloy pa rin sa mga sinehan

Tapos na ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 pero hindi pa tapos ang pagpapalabas sa hit movie na ‘The Panti Sisters’ na pinagbibidahan ng mga magagandang bakla na pinoportray nina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros ng Black Sheep Productions, The Idea First Company at Quantum Films.

Sino ba naman ang hindi mag-eextend sa runaway winner sa takilya na tumabo na ng Php 103,611,261.25 sa mga sinehan nationwide?

Plus, noong Gabi ng Parangal ng PPP 2019, humimig ng ilang tropeo ang ‘The Panti Sisters’ – Audience Choice Award, Best Production Design at Best Actor (Martin del Rosario).



Inaasahan na rin ang international screenings ng movie ito na magkakaroon pa ng Part 2 sabi ng director na si Jun Lana.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Maine Mendoza, mas mahal ng ‘Eat Bulaga’ kesa kay Alden Richards?

Kris Aquino, inuudyukang sumali sa ‘KapareWho’ ng ‘It’s Showtime’