in

Sylvia Sanchez, nawawalang lola nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Nadiskubre na nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) na si Barang (Sylvia Sanchez) ang lola nilang matagal na nilang pinaghahanap sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Natuklasan ng magkapatid na si Barang ang kanilang lola matapos ang isinagawang pananaliksik ng mamamahayag na si Eva (Mylene Dizon), na siyang nagturo kay Fatima, ang nanay nina Mira at Joy, bilang ang anak ni Barang na ilang taon na rin niyang hinahanap.

Dahil sa rebelasyong ito, naniniwala sina Mira at Joy na napapalapit na sila sa katotohanan tungkol sa biglaang pagkawala ni Fatima sa tulong ng Lola Barang nila, na nailabas na rin mula sa mental facility.

Napapraning naman ngayon ang pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) at si Agatha (Mercedes Cabral) dahil natatakot silang mauungkat na ang madilim nilang sikreto sa pagpatay nila kay Fatima.

Malalaman na ba nina Mira at Joy ang sinapit ng kanilang ina sa kamay nina Deborah at Agatha?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong pelikula ni Paolo Contis, trending!

Erich Gonzales, binulabog sina Agot Isidro at Raymond Bagatsing, JC de Vera napahiya sa ‘La Vida Lena’