in

‘Stairway to Heaven’, nalalapit na ang pagtatapos

Finale week na ng K-drama adaptation ng GMA Network na “Stairway to Heaven”. 

Sa nalalapit nitong pagtatapos, nalaman na ni Cholo (Dingdong Dantes) na nakikipaglaban si Jodi (Rhian Ramos) sa sakit na cancer.

Samantala, pipilitin naman ni Maita (Jean Garcia) si Zoila (Sandy Andolong) na pakasalan ni Cholo ang anak na si Eunice (Glaiza de Castro) para hindi mabisto ang sikreto niyang pakiki-apid sa isang pamilyadong congressman.

‘Yan ang dapat abangan ng Kapuso viewers sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Stairway To Heaven’ kaya patuloy itong subaybayan hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘#MPK,’ may bagong episode ngayong Sabado

‘Idol sa Kusina,’ may special fresh episodes sa GMA Network simula August 16