in

Sorpresang collab single nina Darren Espanto at Jayda Avanzado na ‘Sana Tayo Na,’ mapapakinggan na

Sa unang pagkakataon, nagsama sina Darren Espanto at Jayda para umawit ng isang love song, ang “Sana Tayo Na” mula sa Star Music.

Una nang nagpahiwatig ang dalawa ng kanilang kolaborasyon sa Twitter, kung saan nag-tweet sila ng “Sana tayo na” at itinag ang acount ng isa’t isa. Kanya-kanyang hula naman ang mga tao kung ano ang ibig sabihin ng post nila, dahilan para mag-trending ang “SANA TAYO NA” sa Twitter.

Isang feel-good love song ang “Sana Tayo Na” kung saan umaasa ang dalawang tao na balang araw ay makakapiling nila ang bawat isa. Hinihiling din sa kanta ang pagtutugma ng mga bituin para pagsamahin ang dalawang taong nagmamahalan sa hinaharap.



Orihinal na komposisyon ng ama ni Jayda na si Dingdong Avanzado ang kanta, na unang naging parte ng kanyang “Coming of Age” album. Ang revival ay ipinrodyus ni Jayda at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Huling nakipag-collaborate si Jayda sa “The Voice Teens” finalist na si Jeremy G noong 2019 para sa kantang “Perfectly Imperfect” na siya mismo ang nagsulat. Si Darren naman ay nagtanghal ng awitin niyang “Sasagipin Kita” sa katatapos lang na virtual celebration ng MYX Awards 2020.

Maniwala na makakasama mo rin ang taong mahal mo at pakinggan ang “Sana Tayo Na” nina Darren at Jayda sa iba’t ibang digital streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, aarangkada na!

Kapuso beauty queens, magpapamalas ng talino sa ‘Quiz Beh!’