in

Sofia Pablo, milyonaryo na sa Instagram followers

Opisyal nang Instagram millionaire ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo! Umabot na kasi sa isang milyon ang followers ng aktres sa photo and video social networking service.

Kaya naman masayang-masaya si Sofia sa panibagong milestone na ito sa kanyang career.

Aniya, “Sobra po akong masaya lalo na nung unang kita ko na 1M, kay mommy ko una pinakita.”

Hindi rin napigilan ng kanyang ina na maging emosyonal dahil sa latest achievement ni Sofia, “Tapos umiyak talaga siya. As in iyak talaga kase sa totoo lang po, ang nag-start ng IG ko si Mommy po kasi. Dati siyempre bata pa po ako, wala pa ako interest sa social media.”

Samantala, dahil tigil muna sa taping ang pinagbibidahang top-rating series na Prima Donnas, pansamantala itong pinalitan ng rerun ng Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Garrett Bolden, nagbigay ng tips para sa mga gustong maging ka-boses sina Lani Misalucha at Christian Bautista

Chariz Solomon, may sweet birthday message para kay Direk Bert De Leon